Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Fact-finding investigation sa sinasabing tagong-yaman ni Pangulong Duterte tapos na

(GMT+08:00) 2018-02-15 17:55:59       CRI

SINABI ng Ombudsman na tapos na ang fact-finding investigation sa sinasabing ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte, dalawang araw matapos sabihin ni Solicitor General Jose Calida na natapos na ito noong nakalipas na Nobyembre.

Sa isang pahayag, sinisi ng Ombdusman ang Anti-Money Laundering Council sa hindi pagsusumite ng hinihiling na datos hinggil sa mga deposito ng pamilya Duterte.

Ayon sa pahayag, natapos na ang pagsisiyasat matapos tumanggi ang Anti-Money Laundering Council na suportahan ang imbestigasyon sa pagtangging magbigay ng detalyes sa bank deposits.

Naunang binanggit ng Ombudsman na ang mga dokumento na nagpapakita ng mga transaksyon ay kahalintulad ng mga dokumento na hawak ni Senador Antonio Trillanes IV.

Nabatid na sinabi ni Overall Deputy Ombdusman Arthur Carandang na namuno sa imbestigasyon, na ang records na mula sa AMLC ang nagpapakita ng mga deposito at withdrawal sa bank accounts ng mga anak ni Pangulong Duterte at ng kanyang kinakasamang si Honeylet Avancenda.

Tumanggi naman ang AMLC na nagbigay sila sa Ombdusman ng mga dokumento at impornasyong may kinalaman sa imbestigvasyon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>