|
||||||||
|
||
Bangkok, Thailand — Maringal na pinasinayaan nitong Huwebes, Pebrero 15, 2018, ang aktibidad ng "Maligayang Bagong Taon" ng Thailand sa 2018 at espesyal na pagtatanghal na pansining.
Si Wirasak Kowsoorad, Ministro ng Turismo at Palaksan ng Thailand
Dumalo at nagtalumpati sa nasabing aktibidad sina Wirasak Kowsoorad, Ministro ng Turismo at Palaksan ng Thailand, at Yang Zhi, Pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina. Ibinigay ng mga alagad ng sining mula siyam (9) na probinsya ng Tsina ang makukulay na palabas kultural ng Tsina sa mga manonood Thai.
Si Yang Zhi, Pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina
Ipinahayag ni Yang na sa okasyon ng Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahang Tsino, ang pagtatanghal ng mga alagad ng sining ng Tsina sa Thailand ay nagpapakita ng malalim na pagkakaibigang Sino-Thai.
Lubos ding pinapurihan ng mga manonood Thai ang naturang palabas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |