Inilabas kamakalawa, Biyernes, ika-16 ng Pebrero 2018, ng Kagawaran ng Katarungan ng Amerika, ang dokumento hinggil sa pagsisimula ng akusasyon sa 13 mamamayan at 3 organo ng Rusya, dahil sa kanilang pinaghihinalaang pakikialam sa pambansang halalan ng Amerika noong 2016.
Ang dokumentong ito ay isinumite ni Special Counsel Robert Mueller. Ayon dito, sa pamamagitan ng social network, isinagawa ng naturang mga mamamayan at organong Ruso ang mga aksyong pakikialam sa halalan noong 2016, bilang pagkatig kay Donald Trump, kandidato ng Democratic Party, at paglaban kay Hillary Clinton, kandidato ng Republican Party. Dagdag ng dokumento, ang naturang mga aksyon ay naglalayong magdulot ng kaguluhan sa pulitika ng Amerika.
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na walang batayan at baligho ang naturang akusasyon ng panig Amerikano.
Salin: Liu Kai