Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Magtulungan ang iba't ibang bansa para sa pandaigdig na pangangasiwa sa sandatang nuklear--opisyal na Tsino

(GMT+08:00) 2018-02-19 12:37:45       CRI
Natapos kahapon, Linggo, ika-18 ng Pebrero 2018, sa Munich, Alemanya ang Ika-54 na Munich Security Conference. Sa isang porum ng pulong hinggil sa nuclear security, bumigkas ng talumpati si Fu Ying, Puno ng Komite sa Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

Sinabi ni Fu, na ang sandatang nuklear ay pinakamalakas na sandatang pamuksa, at batay sa responsableng atityud, dapat magtulungan ang iba't ibang bansa, para pasulungin ang pandaigdig na pangangasiwa sa sandatang nuklear.

Dagdag ni Fu, iginigiit ng Tsina ang prinsipyong hindi mauna sa paggamit ng sandatang nuklear, at ang pangako ring hindi gumamit ng sandatang nuklear o manakot sa paggamit nito sa mga bansa at rehiyong walang sandatang ito. Aniya pa, kumakatig ang Tsina sa lubusang pagbawal at pagwasak ng sandatang nuklear.

Iniharap din ni Fu, na dapat igarantiya ng limang bansang may sandatang nuklear ang estratehikong katatagan sa buong daigdig, patuloy na pasulungin ang denuklearisasyon, at pangalagaan ang sistema ng di-pagpapalaganap ng nuklear.

Kaugnay naman ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, sinabi ni Fu, na naninindigan ang Tsina sa walang nuklear na peninsulang ito, at mahigpit sa pagpapatupad ng mga may kinalamang resolusyon ng United Nations Security Council. Kumakatig din aniya ang Tsina sa paglutas sa pagkabahala ng Hilagang Korea sa seguridad, sa pamamagitan ng mapayapang talastasan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>