Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Unang National Information Convention, idinaos sa Davao

(GMT+08:00) 2018-02-20 10:50:47       CRI
Davao City--Nagtipon dito ang mahigit 1,000 information officers ng national government agencies at local government units (LGUs) ng Pilipinas, at halos 500 kinatawan ng mga media, academe at industriya ng komunikasyon at teknolohiya ng bansa, para palalimin ang kanilang pagkaalam at pagkaunawa sa mga agenda ng pag-unlad ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ibahagi ang detalye nito sa bawat Pilipino.

Mula ika-19 hanggang ika-21 ng Pebrero, itinataguyod sa SMX Convention Center sa SM Lanang, Davao City ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Philippine Information Agency (PIA) ang unang National Information Convention (NIC). Ang tema nito ay "Spurring Development and Empowering Communities through Information."

Director General Harold E. Clavite ng PIA

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Director General Harold E. Clavite ng PIA na layunin ng NIC ang pagpapalalim ng kaalaman ng mga information officers sa sariling papel sa pagdulot ng positibong epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Sinabi pa niyang pinahahalagahan ng pamahalaang Pilipino ang pagpapahigpit ng relasyon sa pagitan ng mga public at private sector communicators, at nakahandang mahubog ang isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa bawat media personnel.

Davao City Councilor Maria Belen S. Acosta

Binasa ni Davao City Councilor Maria Belen S. Acosta ang welcome remarks ni Mayor Sara Z. Duterte. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Duterte na "Communication serves as the clutch of the government's vehicle that allow advocacies to keep rolling towards good governance."

Umaasa aniya siyang magiging starting point ang NIC sa pagpapawi ng anumang "misinformation" sa bansang ito.

 (L-R) Sina Anna Mae Y. Lamentillo, Chairperson ng Build Build Build Committee; Jonathan E. Malaya, Assistant Secretary ng Department of Interior and Local Government; Ernesto C. Abella, Under Secretary ng Department of Foreign Affairs; at Ernesto Felix William B. Fuentebella, Under Secretary ng Department of Energy, habang sumasagot sa mga tanong ng kalahok na kinatawan

Sa unang araw ng 2018 NIC, inilahad ng mga mataas na opisyal ng pamahalaang Pilipino ang kaalaman at kahalagahan ng mga umiiral na programa at patakaran na gaya ng "Build Build Build", E-power mo, federalism, nagsasariling patakarang panlabas, at freedom of information.

Nag-rehistro ang mga kalahok na kinatawan

Ayon sa agenda ng NIC, kabilang sa mga aktibidad sa ikalawang araw ang pagpopromote ng responsibleng komunikasyon at pagpapasulong ng mapuwersang estratehiya ng komunikasyon.

Ang aktibidad sa huling araw ay hinggil sa papel ng mga mga mamamayan sa nation-building.

Samantala, bubuksan at isasaoperasyon ang isang bagong provincial communication officers network sa buong bansa.

Pagbisita ng mga kalahok na kinatawan sa pagtatanghal ng mga serbisyo at produkto

Habang idinaraos ang NIC, itinatanghal ang mga serbisyo, at produkto ng mga kalahok na agencies na gaya ng PCOO, Philippine Broadcasting Service, PTV 4, at Radio Television Malacañang (RTVM) sa SMX Convention Center.

Ulat: Ernest Wang
Larawan: Sissi Wang /Ernest Wang

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>