Ayon sa ulat ng Islamic Republic News Agency ng Iran, natuklasan Martes, Pebrero 20, 2018 ng mga rescuer ang mga labi ng bumagsak na eroplanong pampasahero ng Iran sa dakong timog kanluran ng bansa.
Sinipi ng ulat ang pahayag ni Ramezan Sharif, Tagapagsalita ng Islamic Revolution Guards Corps (IRGC) ng Iran, na kung pahihintulutan ng lagay ng panahon, ipapadala ng IRGC ang mga helikopter at rescuer para isagawa ang pagliligtas at paghahanap sa lugar na kinaroroonan ng mga labi ng eroplano.
Linggo, ika-18 ng Pebrero, 2018, bumagsak sa gitnang bahagi ng Iran ang isang eroplanong pampasahero ng Aseman Airlines. Nasawi ang lahat ng 66 na katao sa eroplano, na kinabibilangan ng 60 pasahero at 6 na crew member.