Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Makatotohanan at responsableng pagpapalaganap ng impormasyon at komunikasyon, isinusulong ng PCOO

(GMT+08:00) 2018-02-22 15:31:56       CRI

Davao City—"It is important that we focus on the communication aspect on the ground, it can not be just on the television or radio, online which is our website and social media, it can not just be on our print," ito ang sinabi, Miyerkules, Pebrero 21, 2018 ni Kalihim Martin M. Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa kanyang panayam sa China Radio International (CRI)-Manila Bureau.

Mga opisyal ng PCOO

Mula ika-19 hanggang ika-21, idinaos sa SMX Convention Center sa SM Lanang, Davao City ang unang National Information Convention (NIC) na nilahukan ng mga information officer ng national government agencies at local government units (LGUs) ng Pilipinas, at mga kinatawan ng mga media, akademiya at industriya ng komunikasyon at teknolohiya ng bansa.

Umabot sa halos 1,700 ang kabuuang bilang ng mga kalahok, na taliwas sa inaasahang 1,500.

Kalihim Martin M. Andanar ng Presidential Communications Operation Office (PCOO)

Sinabi ni Andanar na ang NIC ay isang magandang pagkakataon para mapalalim ang pagkaunawa ng mga information officer sa kanilang responsibilidad at gawain, at malaman nila ang mga mapagkukunan at kagamitan na kaloob ng pamahalaan para sa kanila.

Sinabi pa niyang dapat "bumaba sa mga barangay [ang mga information officer] para kausapin ang mga tao, turuan sila ng wastong pamamaraan para maintindihan, at masuri kung alin ang totoong balita, kung ano ang pekeng balita."

Sa tatlong araw na mga aktibidad ng presentasyon at pagpapalitan, inilahad ng mga mataas na opisyal ng pamahalaan ang kaalaman at kahalagahan ng mga umiiral na programa at patakarang gaya ng "Build Build Build," E-power mo, federalism, nagsasariling patakarang panlabas, at freedom of information.

Bukod dito, ipinakilala ng mga kinatawan ng media, academe at industriya ng komunikasyon at teknolohiya sa mga information officer ang mga kaalaman at teknolohiya hinggil sa pagsasagawa ng responsable at may-puwersang komunikasyon upang hikayatin ang mga mamamayan sa pagtatayo ng bansa.

Samantala, habang idinaraos ang NIC sa Davao, lumala ang hidwaan sa pagitan ng Rappler at Malacanang. Sa isang hearing ng Senado hinggil sa di-umano ay pagkakasangkot ni Kalihim Christopher "Bong" Go sa proyekto ng pagbili ng mga frigate ng Philippine Navy na nagkakahalaga ng 16 bilyong piso, sinabi ni Go na ang mga ulat ng Rappler ay "fake news" at mali.

Samantala, base sa isang video sa Twitter, makikitang kinukuhanan ng video ng ABS-CBN ang isang sundalo sa labas ng PCOO office habang pinipilit siya ni Pia Ranada ng Rappler na ipaliwanag kung bakit pinagbabawalang pumasok ang huli sa Malacanang Complex.

Sapul nang manungkulan si Rodrigo Roa Duterte bilang Ika-16 na Pangulo ng Pilipinas, mabilis na umunlad ang PCOO at mga government media.

Base sa datos ng PCOO, bago ang katapusan ng taong 2018, ang transmission power ng People's Television ay umabot na sa 120,000 KW.

Sa isang banda, ang Radyo Pilipinas 1 ay pumasok sa ika-7 puwesto sa mga AM radio station sa Metro Manila noong ika-3 kuwarter ng 2017.

Hanggang sa kasalukuyan, ang mga followers ng PCOO at PTV ay magkahiwalay na umabot sa 1.3 milyon at 1.5 milyon.

Samantala, ipinahayag ni Andanar sa CRI-Manila Bureau, ang pasasalamat sa mga tulong ng pamahalaang Tsino.

Ikinagalak din niya ang kooperasyon sa pagitan ng CRI at Philippine Broadcasting Service (PBS).

Umaasa aniya siyang lalawak pa ang kooperasyon sa pagitan ng mga media ng Pilipinas at Tsina.

Noong ika-9 ng Pebrero, 2018, nilagdaan ng PCOO at Embahadang Tsino ang isang dokumento ng pagsuplay ng Tsina ng mga kagamitan at serbisyo sa PBS, para itaas ang kakayahan nito sa pagsasahimpapawid sa buong bansa.

Ang naturang kasunduan ay nagkakahalaga ng 10 milyong yuan RMB o halos 82 milyong Piso.

Mga kalahok ng NIC

Noong Hulyo ng taong 2017, isang delegasyong Pilipino na may mahigit 20 miyembro mula sa PCOO, PBS, PTV, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, at Radio Television Malacanang ang dalawang linggong nag-aral sa mga kaalaman at teknolohiya hinggil sa komunikasyon sa Communication University of China.

Ang proyekto ito ay bahagi ng kasunduan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa hinggil sa pagpapalitan ng komunikasyon at impormasyon na narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Duterte noong Oktubre, 2016.

Sulat: Ernest

Larawan: Sissi/Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>