Ayon sa pahayag na inilabas Linggo, Pebrero 25, 2018 ng White House ng Estados Unidos, sinang-ayunan ng Amerika, Timog Korea at komunidad ng daigdig na ang ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula ay dapat maging pinal na resulta ng pakikipagdiyalogo sa Hilagang Korea.
Anang pahayag, ang pagpili ng Hilagang Korea sa ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula ay isang mas maliwanag na landas. Anang pahayag, pag-uukulan ng pansin ng Amerika ang naunang pahayag ng Hilagang Korea na handa itong makipagdiyalogo hinggil sa nasabing isyu. Dagdag pa ng pahayag, nagpupunyagi ang pamahalaan ni Donald Trump para maisakatuparan ang komprehensibo, masusuri, di-nagbabagong paninindigan hinggil sa ligtas sa sandatang nuklear na Korean Paninsula. Ipagpapatuloy ang estratehiya ng "maximum pressure" ng Amerika sa Hilagang Korea, hanggang sa pagsisimula ng denuklearisasyon ng Hilagang Korea, dagdag pa ng pahayag.
Salin: Vera