|
||||||||
|
||
Kinumpirma Pebrero 24, 2018 ni Zaw Htay, Tagapagsalita ng Palasyong Pampanguluhan ng Myanmar, na naganap ang pagsabog ng bomba sa Sittwe, kabisera ng lalawigang Rakhine ng bansa. Ikinasugat ito ng isang pulis at isang doktor.
Bilang pinakamalaking daungang lunsod sa Rakhine, naitatag sa Sittwe ang mga pansamantalang purok-panirahan para sa mga walang tahanan dahil sa marahas na sagupaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |