Biyernes, Marso 2, 2018, nagpahayag si Punong Ministro Theresa May ng Britanya ng pag-asang mararating ng Britanya, kasama ng Unyong Europeo (EU), ang isang "pinakamalalim at pinakamalawak" na kasunduan sa kalakalan ng pag-aalis ng EU. Binigyang-diin din niyang hindi dapat magsapanganib sa pagkakataon ng hanap-buhay ng mga mamamayan ang nasabing kasunduan.
Winika ito ni May sa kanyang talumpati nang araw ring iyon sa City of London.
Iniharap din niya ang 5 prinsipyong tagapatnubay sa susunod na talastasan hinggil sa pag-aalis ng EU. Ibig sabihin, ang kasunduan ay dapat kumatawan sa resulta ng reperendum sa pag-aalis ng EU, dapat maging pangmatalagan ito, dapat itong mangalaga sa pagkakataon ng hanap-buhay at kaligtasan ng mga mamamayan, dapat magkatugma sa ekspektasyon ng Britanya sa pagiging moderno't bukas na bansa, at dapat magpalakas ng pagkakaisa at unipikasyon ng Britanya bilang united kingdom.
Salin: Vera