Sa araw ng pagbubukas ng Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) nitong Lunes, Marso 5, 2018, dumalo si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa talakayan ng delegasyon mula sa Inner Mongolia sa nasabing sesyon. Binigyan ni Xi ng mainam na mungkahi ang pag-unlad ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia. Ipinagdiinan niya na dapat puspusang magsikap ang Inner Mongolia upang matatag na mapasulong ang pag-unlad ng kabuhayan nito sa mataas na kalidad at ang gawain ng pag-aalis ng karalitaan, at mapasulong pa ang pagkakaisa ng mga nasyonalidad at katatagan ng hanggahan ng bansa.
Makaraang pakinggan niya ang talumpati ng mga kinatawan ng delegasyong ito tungkol sa pagpapa-ahon ng kanayunan at pagtatatag ng industriya ng turismo, tinukoy ni Xi na ang Inner Mongolia ay pinakamaagang naitatag na rehiyong awtonomo ng nasyonalidad. Aniya, ito ay nasa hanggahan sa gawing hilaga ng bansa, at napakahalaga ng katayuang estratehiko nito. Ang pagpapabuti ng gawain ng pag-unlad at reporma sa Inner Mongolia, ay may positibong katuturan para sa buong bansa at daigdig, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng