Martes, Marso 6, 2018, ginanap sa Cebu, Pilipinas ang "Cultures of China, Festival of Spring" gala na itinaguyod ng Tanggapan ng Mga Suliranin ng Overseas Chinese ng Konseho ng Estado ng Tsina bilang pangungumusta sa mga overseas at ethnic Chinese. Sa gayo'y natapos ang biyahe ng nasabing grupo ng pagtatanghal sa Asya.
Sinimulan ang biyahe ng "Cultures of China, Festival of Spring" gala sa Asya noong Pebrero 17. Magkakasunod itong itinanghal sa 6 na lunsod ng Thailand, Malaysia at Pilipinas.
Salin: Vera