Bangkok, Thailand-Dumating Maro 7, 2018 ang delegasyon ng China Chamber of International Commerce(CCOIC), para sa 3 araw na pagbisita sa Thailand. Ang delegasyong ito na binubuo ng mahigit 50 bahay-kalakal na Tsino ay pinamunuan ni Ginoong Cheng Qingtao, Pangalawang Puno ng CCOIC.
Ipinahayag ni Cheng na ang biyaheng ito ay para ibayo pang pasulungin ang konstruksyon ng mekanismo ng Lancang-Mekong, at pagtutulungang pangkalakalan at pampamumuhunan ng dalawang panig.
Ani Cheng, tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa pagtutulungan sa larangan ng enerhiya, processing ng mga produktong agrikultural, imprastruktura at iba pa.