Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamumuhay ng mga taga-Makati, padadaliin ng Makatizen Card

(GMT+08:00) 2018-03-11 17:55:33       CRI

 Si Mayor Abigail S. Binay ng Makati at sa kamay niya ay ang Makatizen Card.

Makati—Halos 1,000 residente ng Barangay Rizal, Makati City ang nakatanggap ika-10 ng Marso, 2018, ng kanilang Makatizen Card. Sa pamamagitan nito, matatamasa nila ang bentahe ng digital technology at cashless transactions.

Ayon sa pahayag, ang nasabing card ay isang valid government-issued ID card na nagtataglay ng mga pribadong impormasyon na gaya ng litrato, pangalan, address, kapanganakan at kasarian.

Si Albert O. Tinio, Chief Executive Officer ng G-Xchange, Inc.

Ang mga may-ari ng card ay maaring tumanggap ng mga serbisyo at benepisyo mula sa pamahalaan ng Makati at hindi na kailangan pang magprisinta ng ibang dokumento.

Bukod dito, dahil naka-link ang card sa GCash mobile wallet ng may-ari, maaari rin itong tumanggap ng cash allowances, stipends at iba pang mga cash benefits.

Bukod pa riyan, magagamit din ito sa pagbabayad ng buwis at bills, pagpapadala ng pera at iba pang mga financial transactions na gaya ng scan to pay.

 Si Paolo Saycon, Founder at CEO ng iBayad Online Ventures, Inc.

Nang araw ring iyon, idinaos sa Barangay Rizal Covered Court ang pamamahagi ng Makatizen Card sa unang pangkat ng mga residenteng nakapagrehistro sa programa.

Pagkatapos makuha ang card, agad itong sinubukan ng ilang residente sa ilang partner merchants na naroroon din sa aktibidad.

Nagrerehistro ang mga residente ng Makati para tumanggap ng kanilang Makatizen card.

Sinabi ni Alejandro Lorejo, isang fish ball vendor, na madaling gamitin ang card sa pagtanggap ng pera at hindi na kailangang magbigay ng pera.

Dagdag pa niya, kung mas maganda ang internet speed, mas maganda ang paggamit ng card.

Nagrerehistro ang mga residente ng Makati para tumanggap ng kanilang Makatizen card.

Noong Hunyo ng 2017, ang card na ito ay opisyal na inilunsad ng Makatizen Card Team na kinabibilangan ng Pamahalaan ng Makati City, G-Xchange, Inc., Globe Telecom at iBayad Online Ventures, Inc.

Ayon naman kay Mayor Abigail S. Binay ng Makati na ang paggamit ng card ay isang magandang pagkakataon para ma-enjoy ng mga residente ang bentahe ng cashless transactions, samantala, ang card na ito ay makakatulong din sa pagbibigay ng mas magandang serbisyo sa mga residente.

Mga residente ng Makati habang naghihintay para kunin ang Makatizen card.

Sa simula ng termino ni Mayor Binay noong 2016, ipinatalastas niyang pasusulungin ang pag-unlad ng Makati patungo sa isang full-fledged Digital City, kung saan maaring ma-enjoy ng mga residente at stakeholders ang mga benebisyo ng modernong teknolohiya.

Sinabi rin ni Albert O. Tinio, Chief Executive Officer ng G-Xchange, Inc., na adhikain nilang magkaloob ng financial service na madalas gamitin ng karamihan sa mga Pilipino.

Sinabi pa niyang kung mawawala ang Makatizen card, hindi ito makakaapekto sa kaligtasan ng pera sa GCash account ng card holder.

Sapul noong 2017, sinimulang gamitin ng GCash ang cashless payment model ng Alipay, pinakamalaking online payment platform ng Tsina. Maaring magbayad ang mga GCash App users sa mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng QR scanning.

Samantala, maari ring gamitin ang App sa mga financial transactions.

Ipinakikita ni Saycon ang Makatizen Card.

Sinabi rin ni Paolo Saycon, Founder at CEO ng iBayad Online Ventures, Inc., na patuloy silang makikipag-ugnayan sa lahat ng mga negosyo sa mga barangay ng Makati para makagamit sila ng nasabing card at mapadali ang pagbili sa mga produkto at pagkuha ng mga serbisyo.

Ang iBayad ay isang Financial Technology company na nagtatampok, pangunahin na sa mobile payment at e-commerce.

Nag-scan si Alejandro Lorejo ng Makatizen card para makatanggap ng pera

Nauna rito, nagdebelop ang iBayad ng smartphone application na DU30 sa ilalim ng awtorisasyong ibinigay ng Presidential Communications Operation Office. Layon nitong itatag ang tulay ng direktang komunikasyon sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mga Pilipino.

Sa susunod na yugto, ipapadala ng Makatizen Card Team ang mga card sa bawat residente ng 33 barangay ng lunsod upang tulungan ang mga ito sa pag-activate ng card at turuan sila kung papaano ito gagamitin. Batay sa kasunduan, libreng ipagkakaloob ng Globe ang halos 500,000 card.

Sulat: Ernest

Larawan: Sissi

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>