Noong ika-12 ng Marso, 2018, ipinahayag ni Zheng Gongcheng, Kinatawan ng Committee for Internal and Judicial Affairs ng ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) na pinahahalagahan ang mabilis na paglawak ng aging population ng Tsina. Mula noong 2015 hanggang 2017, isinagawa ng kanyang komite ang pagsusuperbisa sa endowment insurance system ng bansa. Isinasagawa din nila ang inibestigasyon sa serbisyo para sa mga matatanda, at sinisiyasat ang pagpapatupad ng batas upang magarantiya ang karapatan ng mga matatanda. Nang sa gayo'y, iniharap nila ang mga mungkahi para mapabuti ang mga may kinalamang mekanismo.
Salin:Lele