|
||||||||
|
||
Si Peter Paul Sales, mamamahayagaag ng DMZE (sa kanan) at Mac Ramos, mamamahayag ng Serbisyo Filipino (sa kaliwa)
Sa Two Sessions na kasalukuyang ginaganap sa Beijing, isang Pilipino ang nabigyan ng pagkakataon na makita ang mga kaganapan hinggil sa Taunang Sesyon ng National People's Congress at Chinese People's Political Consultative Conference para sa taong 2018.
Siya ay si Peter Paul Sales, mamamahayag ng DMZE. Ang DZME ay istasyong mapapakinggan sa talapihitang 1530khz ng AM radio sa kalakhang Maynila.
Sa panayam ng CRI Filipino Service, Marso 14, 2018 sa himpilan nito sa Beijing, ipanahayag niya ang kagalakang marating ang Tsina sa kauna-unahang pagkakataon. At bilang nag-iisang Filipino reporter na saksi sa mahalagang legislative process ng Tsina, ani Sales lipos siya ng kasiyahan. Di niya akalain ito pala'y pinahahalagahan ng komunidad ng daigdig.
Para kay Sales, mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga lider ng Pilipinas ang mga economic reforms na ihinain sa sesyon. Ang rason aniya, "Ang partnership ng Tsina at Pilipinas sa ngayon ay lumalakas. At dapat maging bahagi ang Pilipinas ng Belt and Road Initiative ng Tsina. Magandang sumasabay ang Pilipinas sa ganitong mga plano na ginagawa ngayon ng Tsina."
Hinggil sa kasalukuyang lagay ng relasyon ng Tsina at Pilipinas, sinabi niyang hinahangaan niya ang kasalukuyang Pamahalaang Pilipino sa pagbubukas nito ng pinto sa Tsina. Ayon sa kilalang radio personality, ang buong mundo nakasalalay sa Tsina pagdating sa supply at maging sa paggawa. Kaya walang dahilan para hindi isulong ang ugnayan sa Tsina. Dagdag niya, inilalapit ng Tsina ang Pilipinas para marating ang katulad na estado nito sa bilang isang mabilis na umuunlad na bansa.
Sa loob na halos dalawang linggong pamamalagi sa Beijing, kwento ni Sales, na mas kilala bilang Tito Potato sa radyo, na marami siyang nabasag na maling akala hinggil sa Tsina. Sinabi niyang, "Marami akong natutunan dito. Lahat sila mahal ang inang bayan. Yung sidhi ng pagmamahal at kagustuhang protektahan ang bansa ipinakikita ng mga reporter. Ito ay isang bagay na magandang matutunan."
Ulat : Mac Ramos
Larawan : Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |