Binuksan Marso 15, 2018 ang Ika-13 Lancang-Mekong Youth Exchanges sa Kunming, kabisera ng lalawigang Yunnan, Tsina. Lumahok sa pagtitipon ang 66 na kabataan mula sa mga media at unibersidad ng Tsina, Thailand, Laos, Myanmar, Biyetnam at Kambodya. Ang tema ng kasalukuyang pagtitipon ay "Pagpapalakas ng Pagkakaibigan at Pagtitiwalaan-Hangarin at Responsibilidad ng mga Kabataan at Media." Ang nasabing pagtitipon ay magkasamang inisponsor ng All-China Youth Federation, at Ministri ng Pag-unlad ng Lipunan at Seguridad ng Sangkatauhan ng Thailand. Idinaraos ang nasabing pagtitipon sa lalawigang Yunnan ng Tsina at Chiang Mai ng Thailand. Sa lalawigang Yunnan, ang komprehensibong kalagayan sa kasaysayan at kasalukuyang estado nito ang malalaman ng mga kalahok. Bukod dito, bibisita sila sa mga media sa lokalidad.