Sa pamamagitan ng botohan sa ika-5 sesyong plenaryo ng sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina na idinaos ngayong umaga, Sabado, ika-17 ng Marso 2018, naihalal si Xi Jinping, bilang Pangulo ng Tsina at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng bansa.
Pagkaraan ng halalan, nanumpa si Xi ng katapatan sa Konstitusyon. Ito ang kauna-unahang panunumpa ng pangulong Tsino sa NPC, para sa inagurasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Chen Yong, deputado ng NPC mula sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, na solemna ang seremonya ng panunumpa. Ito aniya ang paggawa ng pangulo ng pangako sa mga mamamayan ng buong bansa.
Sinabi naman ni Zhang Guiping, deputado ng NPC mula sa lalawigang Liaoning, na isang malaking karangalan ang pagboto niya, bilang kinatawan ng mga mamamayan, para ihalal si Xi bilang pangulo ng bansa.
Sinabi naman ni Xu Jiaping, estudyante ng University of International Business and Economics, na ang pagkahalal ni Xi bilang pangulo ng bansa ay hangarin ng lahat ng mga mamamayang Tsino. Ang resultang ito aniya ay nagpapatibay ng pananalig ng mga tao sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.
Salin: Liu Kai