Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga opisyal ng gabinete ng Tsina, naihalal

(GMT+08:00) 2018-03-19 11:09:33       CRI

Beijing,Tsina—Ayon sa botohan ngayong umaga, Lunes, Marso 19, 2018 ng unang sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, naihalal bilang pangalawang premyer ng Konseho ng Estado, gabinete ng bansa sina Han Zheng, Sun Chunlan, Hu Chunhua, at Liu He. Samantala, naihalal din si Xiao Jie bilang Pangkalahatang Kalihim ng Konseho ng Estado.

Bukod dito, sina Wei Fenghe, Wang Yong, Wang Yi, Xiao Jie, at Zhao Kezhi ay pumasok din bilang kagawad ng estado ng bansa.

Pagkaraan ng halalan, nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas ang nasabing mga pangalawang premyer, pangkalahatang kalihim at kagawad.

Sa kabilang dako, ang mga sumusunod ay mga bagong puno ng iba't bang departamento ng Konseho ng Estado:

-- Wang Yi, Ministro ng Ugnayang Panlabas foreign affairs

-- Wei Fenghe, Ministro ng Pambansang Depensa

-- He Lifeng, Puno ng Komisyon ng Pambansang Kaunlaran at Reporma (NDRC)

-- Chen Baosheng, Ministro ng Edukasyon

-- Wang Zhigang, Ministro ng Siyensya at Teknolohiya

-- Miao Wei, Ministro ng Industriya at Teknolohiyang Pang-impormasyon

-- Bater, Puno ng Komisyon ng Estado sa mga Suliraning Etniko

-- Zhao Kezhi, Ministro ng Seguridad na Pampubliko

-- Chen Wenqing, Ministro ng Seguridad na Pang-estado

-- Huang Shuxian, Ministro ng mga Suliraning Sibil

-- Fu Zhenghua, Ministro ng Katarungan

-- Liu Kun, Ministro ng Pinansya

-- Zhang Jinan, Ministro ng Lakas-paggawa at Panlipunang Securidad

-- Lu Hao, Ministro ng Likas na Yaman

-- Li Ganjie, Ministro ng Kapaligirang Ekolohikal

-- Wang Menghui, Ministro ng Pabahay at Kaunlarang Urban-Rural

-- Li Xiaopeng, Ministro ng Transportasyon

-- E Jingping, Ministro ng Yamang-tubig

-- Han Changfu, Ministro ng Agrikultura at mga Suliraning Rural

-- Zhong Shan, Ministro ng Komersyo

-- Luo Shugang, Ministro ng Kultura at Turismo

-- Ma Xiaowei, Puno ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan

-- Sun Shaocheng, Ministro ng mga Suliraning Pambeterano

-- Wang Yupu, Ministro ng Pangkagipitang Pangangasiwa

-- Yi Gang, Gobernador ng People's Bank of China

-- Hu Zejun, Punong Auditor ng Pambansang Tanggapan ng Audit

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>