Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Puno ng katubigan" laban sa polusyon, itinalaga ng Tsina

(GMT+08:00) 2018-03-19 16:01:42       CRI

Upang mapigilan ang polusyon sa katubigan, mula katapusan ng taong 2016, isinagawa ng Tsina ang mekanismo ng pagtatalaga ng mga "puno ng ilog". Hanggang katapusan ng taong 2017, 25 lalawigan ng bansa ang nakapagtatag ng nasabing mekanismo, at 320,000 "puno ng ilog" ang naitalaga.

Si Zhou Libin ay "puno ng ilog" ng nayon ng Xiaohedu, Changxing County, Lunsod Huzhou, lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina. Ayon kay Zhou, bawat linggo, naglalakbay-suri siya sa ilog na may habang mahigit 1,000 metro, at nirerekord ang kalagayan ng katubigan sa APP na tinatawag na "puno ng ilog." Kung may natuklasang pagbabago sa kalidad ng mga katubigan, aayusin kaagad nila, dagdag pa niya.

Ilog ng nayon ng Xiaohedu, Changxing County, lalawigang Zhejian (CRI/Yang Qiong)

Batay sa mekanismo ng "puno ng ilog," simula ngayong taon, ilulunsad din ng pamahalaang Tsino ang mekanismo ng "puno ng lawa." Ito rin ang mungkahi ni Yang Li, deputado ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Kalahok siya sa idinaraos na taunang sesyon ng NPC. Matatagpuan sa pampang ng Dongting Lake ang lupang-tinubuan ni Yang. Aniya noong bata pa siya, dalisay ang katubigan, pero sa paglipas ng panahon, nadungisan ito. Sa kasalukuyan, dahil sa pagpupursige sa pagkontrol at pangangalaga, muling naging malinis ang tubig. Iminungkahi rin ni Yang na isabatas ang mekanismo ng "puno ng ilog at lawa" para matiyak ang pangmatagalang pangangalaga sa katubigan ng bansa.

Si Yang Li habang ipinakikita ang tubig sa boto na natamo niya mula sa Dongting Lake. (CRI/Yang Qiong)

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>