Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Justice Secretary Aguirre, nagsabing may pulong na naganap sa Malacanang kasama ang abogado ni Gng. Janet Lim Napoles

(GMT+08:00) 2018-03-21 17:31:17       CRI

KUMPIRMADO ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nakausap nila ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang abogado ni Janet Lim Napoles sa Malacanang sanhi ng kanyang pagkakatanggap na pansamantala sa witness protection program.

Ginawa ni Secretary Aguirre ang pahayag matapos ibulgar ni Atty. Stephen David, abogado ng sinasabing nasa likod ng pork barrel scam, sa Sandiganbayan hinggil sa pagkakasama kay Gng. Napoles sa Witness Protection Program at sa kanyang pulong na dinaluhan sa Malacanang.

Tumanggi si Secretary Aguirre na nagbigay sila ng payong legal. Inakala umano ni Atty. David na sapagkat saklaw ng Tanggapan ng Pangulo ang Department of Justice, maaari siyang umapela sa Tanggapan ni Executive Secretary Medialdea.

Nahaharap sa sangkaterbang kaso si Gng. Napoles tulad ng plunder at graft sa Sandiganbayan dahil sa paggamit ng non-government organizations upang makatanggap ng milyun-milyong piso mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mga mambabatas kapalit ng mga palsipikadong proyekto.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>