Martes, Marso 20, 2018, idinaos ang pulong ng pagpapalitan ng Tsina at Singapore hinggil sa kooperasyon sa konstruksyon ng sponge city. Tinalakay dito ng mga dalubhasa ng kapuwa panig ang hinggil sa pagtatatag ng Sino-Singapore Tianjin Eco-city (SSTEC) bilang isang international sponge city, sa pamamagitan ng lubos na pagpapatingkad ng bentahe ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Ang nasabing pulong ay magkasamang itinaguyod ng Komisyon ng Pangangasiwa ng SSTEC at Public Utilities Board ng Singapore. Kalahok dito ang mahigit 200 personahe mula sa Tianjin Eco-city, at mga instituto ng pananaliksk, kolehiyo at departamento ng teknolohiya na may kinalaman sa konstruksyon ng sponge city.
Ang sponge city ay bagong ideya ng pangangasiwa sa ulan at baha sa lunsod. Ang lunsod ay may kakayanang tumugon sa mga pagbabago ng kapaligiran at pagharap sa likas na kapahamakan na dulot ng ulan.
Sa kasalukuyan, sinimulan na ang 65 pilot project ng sponge city ng SSTEC, at ito ay katumbas ng 96% ng kabuuang bilang ng mga pilot project.
Salin: Vera