Linggo, Marso 25, 2018, naganap ang matinding sunog sa isang shopping mall sa Kemerovo, Rusya. 64 na katao ang biktima na kinabibilangan ng 41 bata. Nilagdaan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang kautusan kung saan itinuturing na pambansang araw ng pagdadalamhati para sa mga biktima sa nasabing sunog ang Marso 28.
Dumating Miyerkules ng Kemerovo si Putin, at nag-alay ng bulaklak sa paligid ng pinaganapan ng sunog bilang pakikidalamhati sa mga biktima. Humiling siyang imbestigahan ang lahat ng mga opisyal at dalubhasa na namamahala sa pagbibigay-lisensya sa nasabing shopping mall at pagsusuri sa seguridad, samantalang ipagkaloob sa abot ng makakaya ang tulong sa mga kamag-anakan ng mga biktima.
Salin: Vera