Ipinadala Abril 2, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay Pangulong Abdel Fattah al-Sisi ng Ehipto, matapos magwagi at ihalal sa kanyang ikalawang termino.
Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong ilang taong nakalipas, lumalalim ang pagtitiwalaang pampulitika ng Tsina at Ehipto, sumusulong ang pragmatikong pagtutulungan, humihigpit ang people to people exchanges. Umaasa aniya siyang magtatamo ang Ehipto ng mas malaking tagumpay sa pambansang kaunlaran, batay sa pamumuno ni Pangulong Abdel Fattah al-Sisi. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Ehipto para ibayong pasulungin ang estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan, at bigyan ng ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa.