Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Matinding pagtutol sa mga proposal na taripa ng Amerika, ipinahayag ng Tsina; katugong hakbangin, nakahandang isagawa

(GMT+08:00) 2018-04-04 11:03:49       CRI
Ipinahayag ngayong araw, Miyerkules, Abril 4, 2018 ng Tsina ang matinding pagtutol sa mga proposal na taripa ng Estados Unidos, at nakahanda itong magsagawa ng mga katugong hakbangin laban sa mga produktong Amerikano.

Nauna rito, ipinalabas ng Tanggapan ng Kinatawang Pangkalakalan ng Ustados Unidos (USTR) ang iminungkahing listahan ng 1,300 produktong Tsino na papatawan ng karagdagang 25% taripa. Nagkakahalaga ng 50 bilyong US dollar ang nasabing mga produktong may kinalaman sa information at technology (IT), kalawakan, robotics, medisina, at makinarya. Bago mag-Mayo 11, 2018 ang mga mamamayang Amerikano ay maaaring magsumite ng nakasulat na kuru-kuro hinggil sa mga nasabing mga produkto at porsyento ng taripa.

Kaugnay nito, magkakasunud-sunod ipinahayag ng iba't ibang panig ng Tsina na kinabibilangan ng Ministri ng Komersyo, Ministring Panlabas, at misyong Tsino na nakatalaga sa World Trade Organization (WTO) ang pagtutol sa nasabing aksyon ng administrasyong Amerikano.

Anang Tsina, sa kabila ng kooperasyong pangkomersyong may mutwal na kapakinabagan ng dalawang bansa nitong 40 taong nakalipas at pagtutol ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Amerika, ginawa ng administrasyong Amerikano ang nasabing desisyon. Nakakapinsala ito hindi lamang sa interes ng Tsina at Amerika, kundi maging sa kabuhayang pandaigdig, at labag din ito sa diwa ng WTO, dagdag pa ng panig Tsino.

Ipinahayag din ng Tsina ang kahandaang magsagawa ng katugong hakbang laban sa mga produktong Amerikano, batay sa ginawa ng Amerika.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>