Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kahirapan, nagiging dahilan ng paglaganap ng droga

(GMT+08:00) 2018-04-04 18:30:24       CRI

SA likod ng mga pahayag ng pamahalaang umuunlad ang ekonomiya ng bansa, lumalabas na kahirapan ang nag-uudyok sa mga mamamayang magtulak ng droga upang mabuhay.

Ito ang lumabas sa katatapos na Wednesday Roundtable @ Lido na dinaluhan ng mga kinatawan ng City Anti-Drug Abuse Council, Philippine Drug Enforcement Agency at maging sa University of the Philippines.

Sinabi ni Bb. Evangelyn Ternate, psychometrician sa City Anti-Drug Abuse Council na may tatlumpung porsiyento ng mga nasasangkot sa illegal drugs ay mula sa mga pamilyang may problema. Karamihan sa kanilang mga kliyente ay mga mahihirap, mula sa pagiging tsuper ng jeep, bus, tricycle at padyak. May mga nagbabasahan din at may mga nangangalakal ng recyclables.

Ayon ky kay Dr. Marissa Isabedra, assistant city health officer, tumatalab ang community-based rehabilitation sapagkat sangkot ang lahat ng sektor sa barangay, Idinagdag niyang nagtutulungan ang pamahalaang lokal, pulisya at maging simbahan. Malaki ang tulong ng Diocese of Kalookan sa kanilang proyekto sa Caloocan bukod sa pagkain, salapi at pagkakakitaan ng mga nagbabagong buhay.

Sinabi naman ni Director Derrick Arnold Carreon ng Philippine Drug Enforcement Agency na umabot na sa higit sa 90,000 anti-drug operations sa buong bansa mula noong unang araw ng Hulyo 2016 hanggang noong nakalipas na ika-20 ng Marso ng 2018.

Nadakip nila ang may 123,648 na taong nadakip samantalang nagkaroon ng 4,075 ang napaslang sa isinagawang anti-drug operations.

Nakarating na rin sa mga taga-usig ang 24,157 usapin samantalang may 46,014 na kaso ang nasa iba't ibang hukuman.

Sa panig ni Dr. Ted Herbosa, executive vice president ng University of the Philippines at dating undersecretary ng Department of Health, makabubuting bigyang-pansin ng mga mamamahayag ang mga tagumpay na nakakamtan sa mga programang nasa iba't ibang komunidad.

Maliban umano sa mga pagpatay, nararapat ding makita ang mga nagagawa ng rehabilitation entities sa iba't ibang komunidad. Mahalaga ito sapagkat makatatawag ito ng pansin ng madla upang higit na dumami ang mga sasailalim sa rehabilitation.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>