Idinaraos ngayong umaga, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, ang seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na may temang "Bukas at Inobatibong Asya para sa Ibayo Pang Kasaganaan ng Daigdig."
Bumibigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Inilalahd niya ang hinggil sa ibayo pang pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas, ibayo pang pagpapalalim ng reporma, at paninindigan ng bansa sa pagpapasulong sa pagtatatag ng "community of shared future" para sa Asya at buong sangkatauhan, at pagbubukas ng magandang kinabukasan ng Asya at daigdig.