Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaraos ngayong umaga, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na patuloy na pabubutihin ng bansa ang kapaligirang pampamumuhunan.
Aniya, sa unang hati ng taong ito, tatapusin ng Tsina ang pagsususog sa Negative List ng pamumuhunang dayuhan, para komprehensibong isagawa ang Pre-Establishment National Treatment at Negative List system.