Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaraos ngayong umaga, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ibayo pang palalakasin ng bansa ang pangangalaga sa Intellectual Property Rights (IPR), dahil ito ay pinakamalakas na pampasigla sa lakas na kompetitibo ng kabuhayang Tsino.
Binigyang-diin niyang, kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng mga kompanyang Tsino at dayuhan ng normal na pagpapalitan at pagtutulungan sa teknolohiya, at pinapangalagaan ang lehitimong IPR ng mga kompanyang dayuhan sa Tsina. Umaasa rin aniya siyang palalakasin din ng mga pamahalaang dayuhan ang pangangalaga sa mga IPR ng Tsina.