Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaraos ngayong umaga, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong nakalipas na 40 taon, matagumpay na naisakatuparan ng Tsina ang dakilang pagbabago, mula sarado at kalahating saradong bansa, tungo sa komprehensibong pagbubukas. Aniya, sa proseso ng pagbubukas sa labas, ipinakita ng Tsina ang responsibilidad ng isang malaking bansa, at gumawa ng mahalagang ambag para sa pagharap sa krisis na pinansyal ng Asya, maging ng buong daigdig. Nitong nakalipas na maraming taong singkad, lumampas sa 30% ang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigidg, at nagsisilbing pangunahing pinanggagalingan ng katatagan at lakas-panulak ng paglago ng kabuhayang pandaigdig, bagay na nakapagpasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan, dagdag pa ni Xi.
Salin: Vera