Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaraos ngayong umaga, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kahit uunlad ang Tsina sa anumang digri, hindi nito isasapanganib ang sinuman, hindi nito wawasakin ang umiiral na sistemang pandaigdig, at hindi nito itatatag ang sariling rehiyon ng impluwensiya. Aniya, sa mula't mula pa'y ang Tsina ay bansang naglilingkod sa kapayapaan ng daigdig, nagbibigay-ambag sa kaunlaran ng mundo, at nangangalaga sa kaayusang pandaigdig. Binigyang-diin niyang buong tatag na igigiit ng Tsina ang estratehiya ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, isasagawa ang patakaran ng liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa mataas na antas, at hahanapin ang pagtatatag ng puwerto ng malayang kalakalan na may katangiang Tsino.
Salin: Vera