Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lider ng Tsina at Singapore, nag-usap: pragmatikong estratehikong pagtutulungan, pasusulungin

(GMT+08:00) 2018-04-11 08:32:17       CRI

Boao, Hainan-Kinatagpo Abril 10, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.

Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Pangulong Xi ang pagsasagawa ng bagong estratehiya ng Tsina at Singapore hinggil sa bilateral na relasyon at pragmatikong pagtutulungan, alinsunod sa bagong kalagayang pangkaunlaran ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang pasusulungin ang mga pangunahing proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig, pahihigpitin ang pagtutulungan batay sa balangkas ng "Belt and Road Initiative," at ibayong palalakasin ang konstruksyon ng "Southern Transport Corridor." Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), para pahigpitin ang pagpapalitan at pagkokoordina, upang maisakatuparan ang ugnayan ng "Belt and Road Initiative" at estratehiyang pangkaunlaran ng ASEAN, at maitatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at ASEAN.

Ipinahayag naman ni Punong Ministro Lee na kinakatigan ng Singapore ang pagpapalakas ng pagtutulungan ng komunidad ng daigdig para malutas ang ibat-ibang hamong kinakaharap ng sangkatauhan, at pagpapasulong ng pagtutulungan ng ibat-ibang bansa sa daigdig, sa pamamagitan ng konstruktibong paraan. Nagsisikap aniya ang Singapore para palalimin ang relasyong Sino-Singaporean, at pagtutulungan ng dalawang panig batay sa "Belt and Road Initiative." Positibo rin aniya ang Singapore sa pagpapahigpit ng pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>