Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2018 Taunang Pulong ng BFA, ipininid

(GMT+08:00) 2018-04-12 09:13:16       CRI

Ipininid noong ika-11, Abril, ang 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa Boao, Hainan, Tsina.

Sa seremonya ng pagbubukas ng pulong, bumigkas si Pangulong Xi Jinping ng keynote speech, kung saan pinag-usapan ang 40-taong reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, at ipinatalastas ang mga hakbangin ng ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas.

Sa ilalim ng temang "Bukas at Inobatibong Asya para sa Ibayo Pang Kasaganaan ng Daigdig," idinaos ang mahigit 60 Forum at roundtable sa panahon ng 4 na araw na BFA. Mahigit 2,000 kinatawan ang lumahok at nagpalitan hinggil sa globalisasyon, "Belt and Road" Initiative, pagbubukas ng Asya, inobasyon at reporma, at iba pa.

Sa news briefing ng pagpipinid, sinabi ni Zhou Wenzhong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA na idinaos ang taunang pulong na ito sa background na pagharap sa hamon ng globalisasyon at malayang kalakalan. Sa pamamagitan aniya ng talakayan ng mga lider mula sa iba't ibang lugar at sirkulo, ang BFA ay nagkaloob ng karunungang Asyano para sa pagsasakatuparan ng bukas, inklusibo, at balanseng globalisasyon.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>