Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapalitang pangkabataan, magpapasulong ng hene-henerasyong pagkakaibigan ng Tsina't Cambodia

(GMT+08:00) 2018-04-16 15:21:58       CRI
Siem Reap, Cambodia—Ipinahayag Linggo, Abril 15, 2018 ni Hun Many, Presidente ng Union of Youth Federations of Cambodia (UYFC) na kapuwa ang Tsina at Cambodia ay may mahabang kasaysayan at katangi-tanging kultura, at ang pagpapasulong ng pag-uunawaan ng mga kabataan ng dalawang bansa ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng hene-henerasyong pagkakaibigang Sino-Kambodyano.

Winika niya ito sa panahon ng Ika-6 na Angkor Sankranta, tradisyonal na pestibal bilang pagdiriwang sa bagong taon ng Cambodia, na nagbukas sa Siem Reap Abril 13. Ang UYFC ay tagapagtaguyod ng nasabing kapistahan.

Sa pestibal sa taong ito, inimbitahan ng UYFC ang mga kabataan mula sa Tsina, Singapore at ibang mga bansa para makisalamuha sa mga kabataan at mamamayang Kambodyano sa pagdiriwang.

Inilahad pa ni Hun na naitatag na ng UYFC at All-China Youth Federation ang mekanismo ng taunang pagdadalawan. Sa Oktubre, 2018, isang aktibidad ang isasagawa ng kanyang organisasyon sa Tsina para ipakilala ang kultura ng Cambodia, dagdag pa niya.

Salin: Jade
Pulido: Rhio
Photo Credit: China News Service

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>