Beijing, Tsina—Opisyal na pinasinayaan ngayong araw, Huwebes, Abril 19, ng Tsina ang China Media Group (CMG), bagong pang-estadong broadcast network, bilang bahagi ng malawakang pambansang reorganisasyong institusyonal.
Binubuo ang CMG ng China Central Television (CCTV), China National Radio (CNR), at China Radio International (CRI).
Sina Shen Haixiong (kaliwa), Puno ng CMG; Huang Kunming (gitna), Puno ng CPC Central Committee; at Wang Xiaohui, Pangalawang Puno ng CPC Central Committee, sa pasinaya, Abril 19, 2018.
Sina Shen Haixiong (kaliwa), Puno ng CMG; at Huang Kunming (gitna), Puno ng CPC Central Committee, sa pasinaya, Abril 19, 2018.
Saline: Jade
Pulido: Mac
Larawan: CMG