Beijing, Tsina—Itinatag kamakailan ng Tsina ang China International Development Cooperation Agency (CIDCA) para tulungan ang mga umuunlad na bansa, lalo na ang mga pinaka-di-maunlad na bansa o least developed countries. Sa gayon, mapaliit ang agwat sa pagitan ng Hilaga at Timog (North-South gap) at pasulungin ang pagtatatag ng Community with a Shared Future for Mankind.
Ito ang ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, Huwebes, Abril 19, 2018.
Aniya pa, makabuluhan din ang CIDCA sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan.
Salin: Jade
Pulido: Mac