Ayon sa ulat ngayong araw, Miyerkules, ika-25 ng Abril 2018, ng All-China Federation of Trade Union, sa taong ito, 697 manggagawang Tsino ang gagawaran ng National May 1 Labor Medal, pinakamataas na karangalan sa mga manggagawa sa Tsina.
Ayon pa rin sa naturang organisasyon, ang karamihan sa mga manggagawang gagawaran ng karangalan ay mula sa mga mahirap, marumi, nakapapagod, o mapanganib na trabaho, na gaya ng mga industriya ng konstruksyon, manupaktura, pagmimina, paghahatid, at iba pa.
Salin: Liu Kai