Ipinahayag kahapon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na sa darating na ilang araw, dadalaw sa Tsina ang isang delegasyong Amerikano na pinamumunuan nina Steven Terner Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya at Robert Lighthizer, Kinatawang Pangkalakalan. Layon aniya ng delegasyong Amerikano na makipagsanggunian sa Tsina hinggil sa mga isyung pangkalakalan.
Nauna rito, ipinahayag ng Ministring Komersyal ng Tsina na winewelkam ng Tsina ang panig na Amerikano na pumunta sa Beijing para sa pagsasanggunian hinggil sa mga isyung pangkalakalan.
Salin:Sarah