|
||||||||
|
||
Sa isang symposium Huwebes, Abril 26, 2018, sa Wuhan, punong-lunsod ng Lalawigang Hubei sa gitnang Tsina, ipinagdiinan ni Pangulong Xi ang buong-sikap na pangangalaga sa Yangtze River, na tinaguriang "inang ilog" o mother river ng Tsina. Inilahad niyang sa pagpapaunlad ng nasabing economic belt, kailangang pairalin ang reporma at inobasyon, at ang pinakamahalagang susi rito ay pagbabalanse ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal at pagpapalago ng kabuhayan.
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa symposium, sa Wuhan, Hubei, Tsina, Abril 26, 2018. (Xinhua/Xie Huanchi)
Idinagdag pa niyang upang maprotektahan ang inang ilog, kailangang paalisin ang lahat ng mga bahay-kalakal na may polusyon sa kahabaan ng Yangtze River. Hiniling niya sa mga may kinalamang panig na ilakip sa agenda ang pagpapanumbalik ng kapaligirang ekolohikal ng nasabing ilog.
Samantala, itinuturing niya ang mga bahay-kalakal bilang pangunahing puwersa sa pangangalaga at pagpapasulong ng kapaligirang ekolohiyal ng ilog.
Bago ang symposium, naglakbay-suri ang pangulong Tsino sa Three Gorges Project sa Yangtze River at kapaligirang ekolohikal sa paligid ng nasabing dike, at mga bahay-kalakal sa kahabaan ng ilog; at bumisita sa mga mamamayang lokal, Abril 24 at 25 2018. (Xinhua)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |