Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga samahan ng mga mamamahayag ng Tsina at Pilipinas, pinasusulong ang kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative

(GMT+08:00) 2018-05-02 18:11:02       CRI

Manila--Nilagdaan Lunes, ika-30 ng Abril, 2018 ng All-China Journalist Association (ACJA) at National Press Club (NPC) ng Pilipinas ang Memorandum of Agreement (MOA) para pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media at mamamahayag ng dalawang bansa sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative.

Batay sa nasabing MOA, itataguyod ng ACJA at NPC ang regular na pagdadalawan, mga joint coverage at bilateral na pagpapalitan at pagsasanay.

Dumalo sa seremonya ng paglalagda sina Wang Dongmei, Kalihim ng Sekretaryat ng ACJA, Paul Gutierrez, Presidente ng NPC, at Kristian R. Ablan, Assistant Secretary of Presidential Communication Operations Office (PCOO).

Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, humihigpit ang relasyon ng Tsina at Pilipinas sa larangan ng kabuhayan at pulitika. Aniya pa, nakahanda ang mga samahan ng mamamahayag ng dalawang bansa na pasulungin ang mapagkaibigang kooperasyon at pagpapalitan ng mga media, mamamahayag at editor sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road" Initiative. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng nasabing MOA, magkasamang magsisikap ang ACJA at NPC para pasulungin ang kooperasyon ng mga media ng dalawang bansa sa bagong antas.

Ipinahayag naman ni Paul Gutierrez na mahalaga ang pagpapalitan ng mga media at mamamahayag ng dalawang bansa para palalimin ang bilateral na relasyon at pagkakaunawaan ng dalawang bansa.

Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalawak ang kooperasyon ng mga media ng dalawang bansa sa pamamagitan ng nasabing MOA.

Mula ika-29 ng Abril hanggang unang araw ng Mayo, dumalaw sa Pilipinas ang delegasyon ng ACJA na pinamunuan ni Wang.

Ang mga myembro ng delegasyon ay galing sa China Radio International, Shanghai Media Group at Communication University of China.

Bumisita ang delegasyong Tsino sa Manila Times, People's Television Network, Philippine Broadcasting Service, at Philippine News Agency, para talakayin ang mga isyung gaya ng media literature, news ethic, media education at social media.

Sapul nang nanungkulan si Rodrigo Roa Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas noong 2016, mabilis na umuunlad ang mga kooperasyon sa pagitan ng mga media ng dalawang bansa. Halimbawa, magkasamang isinagawa ng CRI at PBS ang bagong radio program na pinamagatang "Wow China," at itinayo ng CCTV, Xinhua News Agency at mga Filipino counterpart ang mekanismo ng pagpapalitan ng mga content.

Ulat: Ernest
Pulido: Rhio
Larawan: Sissi
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>