Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Morocco, ipinatalastas ang pagkakasira ng relasyong diplomatiko sa Iran

(GMT+08:00) 2018-05-02 12:20:55       CRI

Rabat, Morocco—Ipinatalastas dito Martes, Mayo 1, 2018, ni Nasser Bourita, Ministro ng mga Suliraning Panlabas at Kooperasyong Pandaigdig ng Morocco, ang pagkakasira ng relasyong diplomatiko sa Iran.

Sa news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Bourita na may eksaktong ebidensiya ang kinauukulang departamento ng kanyang bansa para magpatunay na sa pamamagitan ng Hezbollah ng Lebanon, ipinagkaloob ng Iran ang pondo sa Polisario Front, inihatid ang mga sandata sa kanila, at tumulong sa pagsasanay ng mga tauhan nito: bagay na malubhang nagsasapanganib sa pambansang katiwasayan at interes ng Moroco.

Noong 2009, ipinatalastas minsan ng Morocco ang pagkakasira ng relasyong diplomatiko sa Iran, bilang protesta sa "di-angkop na pananalita" ng Iran tungkol sa soberanya ng Kingdom of Bahrain. Noong Enero ng 2017, pormal na napanumbalik ang relasyon ng Morocco at Iran.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>