Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-21 pulong ng mga ministrong pinansyal at gobernador ng bangko sentral ng "10 plus 3," idinaos

(GMT+08:00) 2018-05-05 15:52:12       CRI

Idinaos kahapon, Biyernes, ika-4 ng Mayo 2018, sa Manila, ang ika-21 pulong ng mga ministrong pinansyal at gobernador ng bangko sentral ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea o "10 plus 3."

Ayon sa magkakasanib na pahayag na inilabas sa pulong, ipinalalagay ng iba't ibang panig, na mainam ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, pero umiiral pa rin ang mga panganib, na gaya ng lumalalang proteksyonismong pangkalakalan, humihigpit na kalagayang pinansyal ng daigdig, at iba pa. Inulit ng iba't ibang panig ang pagkatig sa multilateral na sistema ng kalakalan at pamumuhunan, at pagtutol sa anumang porma ng proteksyonismo. Ipinahayag din nilang, dapat palalimin ang pagpapalagayan ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyong ito, at pasulungin ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan at interkonektibidad.

Positibo rin ang iba't ibang panig sa takbo ng mga mekanismo ng kooperasyong pinansyal sa rehiyong ito, na gaya ng Chiang Mai Initiative Multilateralization, ASEAN+3 Macroeconomic Research Office, Asian Bond Markets Initiative, at Credit Guarantee and Investment Facility.

Sa pulong na ito, ipinahayag naman ni Yu Weiping, Pangalawang Ministrong Pinansyal ng Tsina, na ang tuluy-tuloy at malusog na pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay magbibigay ng positibong ambag para sa kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>