Ipinahayag kamakailan ng mga 10 bansa ng ASEAN ang pagdalo sa kauna-unahang China International Import Expo (CIIE).
Napag-alaman ng mga mamamahayag mula sa CIIE na bilang pangatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina sa daigdig, ang mga priyoridad na produkto ng ASEAN ay nasa larangan ng pagkain, agrikultura, produktong pangkonsumo, at iba pa.
Ipinahayag kamakailan ni Ramon Lopez, Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas na bilang tagasunod ng malayang kalakalan sa daigdig, ang pagdaraos ng CIIE ay nagpapakitang lumalawak ang pagbubukas ng Tsina sa labas.