Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahigit 3000 pamiliyang Pilipino, makaka-inom ng ligtas na tubig dahil sa proyekto ng Chinese Embassy

(GMT+08:00) 2018-05-10 19:58:28       CRI

Davao City--Mahigit 3000 pamiliya sa Barangay Callaw, Davao City ang makaka-inom ng ligtas na tubig dahil sa proyekto ng water pump na ipinagkaloob ng Embahadang Tsino sa Pilipinas.

Ayon kay Zaldy M. Lingas, Engineering Assistant ng City Engineer's Office ng Davao City, matatapos ang konstruksyon ng water pump at mga may kinalamang pasilidad sa loob ng darating na 120 working day. Magkakaloob ang proyektong ito ng sapat at malinis na tubig-inumin para sa mga residente ng barangay, aniya pa.

Sa seremonya ng ground breaking, ipinahayag ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ang Tsina ay matalik na kapitbansa ng Pilipinas at nakahanda ang kanyang bansa na ipagkaloob hangga't makakaya, ang mga kinakailangang tulong sa Pilipinas para mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Naniniwala aniya siyang sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, siguradong makakalikha ng mas magandang kinabukasan ang mga Pilipino.

Pinasalamatan naman ni Mayor Sara Duterte ng Davao ang pagtulong ng Embahadang Tsino. Sinabi niyang ito ay isa pang palatandaan na ang pagkakaibigan at aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang panig at kanilang mga mamamayan.

Bukod dito, sinabi niyang bukod sa nasabing proyekto, ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas ang maraming tulong sa mga larangang gaya ng edukasyon, imprastruktura, at pangangalaga sa kapaligiran. Ito aniya ay makakabuti sa pag-unlad ng lipunan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Ang nasabing proyekto ng water pump ay nagkakahalaga ng 6 na milyong piso. Ang lahat ng mga kinakailangang pondo ay ibinigay ng Chinese Embassy, pero ang buong proseso ng konstruksyon at paggamit ng pondo ay inilagay sa ilalim ng superbisyon ng isang non-government organization sa Davao City.

Ulat: Ernest
Larawan: Sissi
Pulido: Rhio
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>