Nag-usap sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Kim Jong Un, Pangkalahatang Kalihim ng Workers' Party of Korea (WPK) at Pangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea (DPRK) sa Dalian, Tsina, mula ika-7 hanggang ika-8 ng buwang ito.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, nananatiling masusi at masalimuot ang kalagayan sa Peninsula ng Korea. Aniya, ang isinagawang estratehikong pagpapalitan ng mga lider ng Tsina at DPRK ay makakatulong hindi lamang sa malusog at matatag na pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang panig, kundi maging sa pangmatagalang kapayapaan at katatagan ng naturang peninsula.