|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Biyernes, Mayo 11, 2018 kay Pangulong Donald Trump ng Amerika, ipinahayag ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na buong sikap na igagarantiya ng kanyang bansa ang matagumpay na pagdaraos ng Summit ng Amerika at Hilagang Korea (DPRK) sa kalagitnaan ng darating na Hunyo.
Nakasaad ito sa pahayag na ipinalabas nang araw ring iyon ng Ministring Panlabas ng Singapore.
Sinabi ni Lee na ikinararangal ng Singapore ang pagtataguyod ng gaganaping makasaysayang summit.
Ipinahayag naman ni Trump ang pasasalamat sa Singapore. Umaasa aniya siyang makakatulong sa paglutas sa isyu ng Korean Peninsula ang idaraos na summit .
Inaanyayahan din ni Lee si Trump na magsagawa ng opisyal na dalaw pang-estado sa Singapore, at lumahok sa Ika-6 na ASEAN-U.S. Summit at Ika-13 East Asia Summit sa Nobyembre ng taong ito.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |