Sa magkahiwalay na panayam kahapon, Linggo, ika-13 ng Mayo 2018, sa Columbia Broadcasting System at Fox News, ipinahayag ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na kung maisasakatuparan ng Hilagang Korea ang ganap na denuklearisasyon, aalisin ng Amerika ang mga sangsyong pangkabuhayan laban dito, at papayagan ang pribadong sektor ng Amerika na mamuhunan sa bansang ito.
Isiniwalat din ni Pompeo, na papayagan ding mamuhunan ang pribadong sektor ng Amerika sa mga aspekto ng enerhiya, elektrisidad, imprastruktura, at agrikultura ng H.Korea. Ito aniya ay makakatulong sa kasaganaan ng kabuhayan ng bansa.
Salin: Liu Kai