Kinumpirma May 15, 2018 sa Beijing ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kasalukuyang nasa bansa ang delegasyon ng Workers' Party of Korea (WPK).
Aniya, ang pagdalaw ng delegasyong ito ay nagsasakatuparan ng komong palagay ng mga lider ng Tsina at Hilagang Korea na narating sa kanilang pagtatagpo kamakailan. Matutunghayan ng delegasyon ang mga bunga ng pag-unlad ng kabuhayan at pagsasagawa ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, at sa pamamagitan ng talakayan palalalimin ang pagpapalitan ng dalawang panig hinggil sa karanasan ng pamamahala ng bansa.
salin:Lele