Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Residente ng Marawi, bibigyan ng pansamantalang matutuluyan

(GMT+08:00) 2018-05-22 16:08:35       CRI

Main war zone ng Marawi na nasa military blockade pa rin

Iligan City – Binabalak ng pamahalaang Pilipino na itayo ang 3400 pansamantalang pabahay sa taong 2018 para sa mga apektadong pamilya ng sagupaan sa Marawi. Sa bilang na nabanggit, 1500 units ang natapos nang itayo. Ipinahayag ito ni Felix Castro Jr, Assistant Sectary of Housing and Urban Development Coordinating Council ng Pilipinas, nitong Lunes, Mayo 21, 2018 sa Marawi City.

 Col. Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao

Ayon sa ulat ng local media ng Mindanao, nang matapos ang sagupaan sa Marawi noong Oktubre ng taong 2017, mahigit 11,000 pamilya na mula sa sentro ng sagupaan ang nananatiling walang tirahan dahil patuloy na pinaiiral ang blokeyo ng militar sa nasabing lugar.

Sinabi ni ASec. Castro na hanggang sa katapusan ng 2017, itinayo ng pamahalaan ang 6400 temporary shelters para sa mga displaced families, mahigit 1000 pamilya ang naninirahan sa tents at ang natitirang mga pamilya ay nakikitira kasama ng kanilang kamag-anak o kaibigan sa mga lugar na malapit sa Marawi na gaya ng Iligan at Cagayan de Oro.

Mga residente ng Marawi na nawalan ng bahay habang tinatanggap ang serbisyong medikal

Ipinagkaloob din ng pamahalaan ang mga pagkain at tubig para sa mga displaced families. Sinabi ni Castro na upang maigarantiya ang kaligtasan ng tubig-inumin, isinasagawa ng pamahalaan ang pagsuri sa mga site ng tubig bawat araw.

Bukod dito, isinagawa rin ng pamahalaan ang medikal na pagsuri sa mga taong naninirahan sa tents at temporary shelters. Sinabi ni Castro na tinatalakay ng mga Congressmen ang isang panukala na naglalayong magkaloob ng compensation package para sa mga apektadong residente ng Marawi.

Mga toldang-panirahan ng mga refugee

Sa kasalukuyan, kinakaharap ng mga apektadong mamamayan ang kahirapan ng pamumuhay dahil sa kawalan ng trabaho. Kaugnay ng dahilan ng blokeyo ng sentro ng sagupaan, sinabi ni Col. Romeo Brawner, Deputy Commander of Joint Task Force Ranao, na sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang mga nakatagong panganib sa nasabing lugar na gaya ng mga bomba at banta ng mga epidemya at sakit.

Ulat / Larawan: Ernest
Pulido: Mac
Web-edit: Lele/Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>