Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong diplomatiko ng Tsina at Burkina Faso, nanumbalik

(GMT+08:00) 2018-05-27 15:32:54       CRI

Beijing — Nag-usap Sabado, Mayo 25, 2018, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Alpha Barry, Ministrong Panlabas ng Burkina Faso. Lumagda sila sa magkasanib na komunike tungkol sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Wang na sa nasabing komunike, kinikilala ng pamahalaan ng Burkina Faso na iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Lubos aniyang hinahangaan ng panig Tsino ang nagawang desisyong pulitikal ng pamahalaan ng Burkina Faso.

Sinabi ni Wang, na ang prinsipyong "Isang Tsina" ay kinikilalang norma ng relasyong pandaigdig, ito rin ay unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig. Ito ay pundamental na paunang kondisyon at pundasyong pulitikal sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at anumang bansa, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Barry na ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko sa Tsina ay ganap na angkop sa mithiin at kapakanan ng mga mamamayan ng Burkina Faso. Aniya, pinutol na ng kanyang bansa ang umano'y "relasyong diplomatiko" sa Taiwan, at hindi isasagawa ang anumang relasyong opisyal sa Taiwan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>